HANDS-ON Tips

Pagkundisyon

Pakain

Pagdating ng manok sa ating battle station ito ay agad na pinupurga at pinapaliguan ng anti-mite shampoo. Pagkatapos ay isinasailalim na ito sa battle routine. Tulad ng nasabi natin lahat ng manok dito ay halos magkaparehas ang alaga, pakain, gamot, at ehersisyo. Kung may kaunti mang pagkakaiba ito ay dahil ang partikular na manok ay may nakakaibang pangangailangan.

Kung ang pakain natin sa cording area ay 70% pigeon pellets at 30%grains concentrate, sa battle station ay ginagawa natin itong 50-50. Tintaasan natin ang bahagdan ng grains upang mas dumami ang fiber at mas gumaan ang mga manok. Ngunit bababa naman ang bahagdan ng protena dahil mas mataas ang taglay na protena ng pellets kaysa grains.

Upang mapunan ito ay ating sinusuplementuhan ng itlog at atay ng bakana parehong mataas ang protein content.

Isang buong linagang itlog ay sapat na sa limang manok. Binibigay natin ito sa umaga. Inihahalo natin sa pakain sa umaga. Tatlong araw sa isang linggo ay hinahaluan pa natin ito ng binanliang atay ng baka. 30 grams lang na atay ay sapat na para sa limang manok.

Maliban sa mataas ang taglay na protena ng baka, ito ay mayaman din sa B12 at iron, bitamina at mineral na nakakatulong sa pagpaparami ng red blood cells at hemoglobin sa dugo. Ganoon din ang pula ng itlog. Kaya lang iniingatan natin na hindi masobra ang dami ng pula ng itlog dahil ito’y may mataas na taglay na taba.

Sa hapon pellets at grains na lang ang pinapakain natin. Fifty-fifty pa rin ang ratio. Ibig sabihin kung ano ang dami ng pellets ay ganoon din ang dami ng grains. Mga 35-40 grams na pakain ang ibinibigay natin sa bawat manok umaga’t hapon. Natural, ang dami ng pakain ay depende rin sa laki ng manok. Ang manok na malaki ay mas maramirami ang ating pinapakain. Ganoon din sa mga manok na payat. Sa mga maliliit naman at sa matataba mas kaunti ang binibigay natin.

Sa buong araw dapat ay babad ang tubig. Dapat ay nakakainom ang manok anumang oras na gustuhin nito. Dapat ay malinis ang tubig kaya pinapalitan natin ito maraming beses isang araw.

Gamot

Marami sa ating mga kasamahang sabungero ang umaasa sa mga gamot sa kanilang pagkukundisyon. Napakarami na kasi ng mga tinatawag na conditioning aids. Karamihan sa mga ito ay mga hormones at steroids, kagaya ng testosterone ,mga stimulants tulad ng caffeine at nux vomica; at mga analgesic upang hindi raw gaanong makaramdam ng sakit ang manok kung masugatan.

Tayo sa RB Sugbo ay hindi gumagamit ng mga ito. Sa atin kasing pagsisiyasat at pagsubok ating napag-alaman na mahirap patamaan ang wastong dosage at haba ng panahon upang maging epektibo ang mga ito. Kaunting pagkakamali ay maari pang mauwi sa pagkasira ng diskarte ng manok sa laban.

Iba't ibang manok ay  iba-iba rin ang tolerance sa drogas. Tulad po ng tao na may madaling tablan ng alcohol at may matagal. Samakatuwid mahirap matantiya kung gaano karami at kailan dapat ibigay ang drogas sa partikular na manok.

Ang ginagamit natin ay mga bitamina at mineral lang upang masiguro naang ating panabong ay hindi magkukulang sa mga ito. Mahalaga kasi ang bitamina at mineral sa katawan.

Lunes, Miyerkules, at Biyernes ay binibigyan natin ng multivitamins ang manok. Pangkaraniwan ay multivitamin tablets na gawang pangmanok at mabibili sa mga agrivet stores ang ginagamit natin. Martes at Huwebes ay b12/bcomplex tablet naman ang binibigay natin.

Tuwing Linggo ng madaling araw ay binibitaw natin ang mga manok kaya sa Sabado ng gabi ang mga ito ay pinaiinom natin ng energy booster tulad ng honey at bee polen. Sa araw ng Linggo ay wala tayong ibinibigay na anumang suplemento upang bigyan naman ng pagkakataon ang manok na linisin ang internal system ng katawan.

Ang ganitong pamamaraan ng pagbigay ng gamot ay nababatay sa ating simple at natural na pagkukundisyon. Hindi natin binibigyan ng gamot ang manok upang dagdagan ang kagalingan, kundi upang ipairal lang.

Ehersisyo: rotation lang

Ang simulain ng RB Sugbo ay natural at simpleng pagkukundisyon. Simple ang ating pakain. Simple ang ating gamot. Kaya simple rin ang ating ehersisyo.

Sisimulan natin sa  pagtatalakay ng mga bagay na kakailanganin natin sa pag-ehersisyo. Kailangan natin ang cord at mga conditioning pens. Maige kung kompleto tayo sa mga conditioning pens. Ang multi-purpose pen, fly pen, running pen, scratch pen at scratch box. Subalit kahit hindi tayo kompleto ay maari nating gawin ang ating simpleng pag-ehersisyo sa manok.

Ang ibang nagkukundisyon ay nangangailangan ng training table. Para sa kanila ang training table ang pinakamahalaga. Dito nila ginagawa ang fly, flip, duck walk,sidesteps, otso-otso, at iba pang table workouts. Para sa atin mas nababagay ang sistemang ito sa Amerika kung saan karamihan ng laban ay sa short knife o gaff.

Sa ganitong labanan kasi ay mas kailangan ng manok na umiral ang lakas at resistensiya nito. Samantalang dito sa atin, dahil long knife o slasher ang sandata ng manok, mas dapat na cutting ability at bilis ang ating mapatingkad. Kaya hindi mabigat ang ehersisyo na ating ginagawa upang hindi maging sobrang “tight” o muscle-bound ang manok.
           
Mga alas 4 ng madaling araw ay iniilawan natin ang mga manok. Tapos ay kinakahig at sinasampi ng isa o dalawang beses. Pinapa-iskrats natin sandali sa scratch box na may tuyong dahon ng saging. Pagkatapos ay binabalik na natin sa cord. Bandang magaalas 10 ng umaga ay linilipat natin sa fly pen o ano mang uri ng conditioning pen na mayroon tayo. Bandang alas 3 ng hapon ay pinaiiskrats na naman natin sandali sa scratch box bago ibalik sa cord kung saan doon na ang mga ito mananatili hanggang sa susunod na umaga.

Mas maige kung tay'o may iba't-ibang uri ng conditioning pens dahil mas mapaparami ang paglilipat-lipat ng manok. Ang manok kasi ay aktibo sa unang ilang minuto sa bagong lugar. Maya-maya ito ay magiging kampante na. Sa bawat paglipat natin samanok sa panibagong lugar ay naeehersisyo ito. At dahil kusa niya ito, hindi ma-oovertrain ang manok. Dito nakasalalay ang konsepto ng rotation keep.

21 DAYS NATURAL CONDITIONING


Day 1 - Deworm with Thunderbird Strongard (1 tablet/stag)
Day 2 - Delouse with Thunderbird Pusham
Day 3 - Inject Thunderbird Bexan XP (0.5cc)
Day 4 to 6 - 15 min. Scratch (4am)/ catch cock, kahig, salida/Flypen (9am-3pm)
Day 5 - Thunderbird Ganador Max (1 tablet/stag)
Day 7- Sparring (3pm)
Day 8 - Delouse with Thunderbird Pusham
Day 9 - Inject Thunderbird Bexan XP (0.5cc)
Day 10 to 13 - 15 min. Scratch (4am)/ catch cock, kahig, salida/ Flypen (9am-3pm)
Day 12 - Thunderbird Ganador Max (1 tablet/stag)
Day 14 - Sparring (4am)
Day 15 - Delouse with Thunderbird Pusham
Day 16 - Thunderbird Ganador Max (1 tablet/stag)
Day 16 to17 - Palakad (4am); Kahig, Salida
Day 18 - Sparring (4am); inject Bexan XP (4am)
Day 19 to 20 - Keeping: Carboloading
Day 21 - Day of fight

SCHEDULE :

6 : 00 a.m. : All fighting stags are on their respective tee-pees. We do the “catch cock” training at the tee-pee by using our self-made catch cock material (you may used asil rooster as alternative catch cock because they can withstand the pain despite repetitive hits.)

7: 00 a.m. : Feed fighting stag using a balance diet of 50% conditioning pellets (Thunderbird Platinum) and 50% grains with some additional vitamins and iron.

10:00 a.m. : Transfer the fighting stags to flying pens. This will help them build strength and power in their wings.

2:00 p.m. : From flying pens, transfer them again to grass pens. We sometimes put pullets along with them inside the grass pens to make them more mature. Grass pen will make them relax.

4:00 p.m. : From grass pens we put them back to tee-pees and resume catch-cock routine.

5:00 p.m. : Feeding time

9:00 p.m. : We bring them one by one to the spar pit (rueda) for light & sound familiarization. By using a teaser rooster, we train them to be alert all the time. After a light workout by walking around the pit, do a “ kahig “ or do a “ salida “ and allow them two buckles while holding on to their tails. After this, wash their feet and faces and place them again at their teepees for them to have enough rest and be ready for the next morning work-out.

Conditioning Guide and Basic Tips During Training by Sonny Lagon (Blue Blade Farm)

Conditioning Guide and Basic Tips During Training
by Sonny Lagon (Blue Blade Farm)

1. Scratching - There are different materials used as scratch for light and heavy work outs. Banana leaves can be used for light scratching and corn husks for heavy scratching. Make sure that your fighting stags are hungry during scratching at the scratch box so you will get better results.

2. Light and Sound (Noise ) - Make the fighting stags familiar with the lights by doing walking routine around the spar pit (rueda) and playing loud sounds on the radio to make them familiar with the noise during fight day or derby day.

3. Tailing ( kahig) and Breaking ( Salida) - Warm up your fighting stags by tailing (kahig) and walking, so that they will develop natural strength and improve their stamina by breaking ( salida). Hold tail of fighting stags and make them fly and hit each other by breaking on the air and down the ground. This helps develop their reflexes and good fighting skills.

4. Sparring (salpok) - Spar the fighting stags to roosters with different fighting styles and different colors like white , grey, black etc. in order for the fighting stag to be familiar with different color of feathers and for them to adopt versatile fighting styles. Sparring will help them learn and develop various fighting techniques and make them clever fighters.

5. Catch Cock - Using our own made catch cock (made with jute sack, foam and used clothes ), we practice the stags to strike on air and on the ground before feeding in the morning and in the afternoon. By doing this, it will help your fighting stags develop endurance and stamina and they will learn to strike with their legs frontally, sideways and back as well as cutting across etc.

6. Rotation (Tee-Pee , Flying Pen and Grass Pen)